Mahirap mag-aral diba? Ang post na ito ay tungkol sa iba't ibang
techniques sa pag-chi-cheat kapag exams, quizzes, seatworks, assignments,
groupworks, researchworks, at pati na rin teacher's evaluations! Hindi ko
intensyon na ibuking ang mga kalokohan ng mga estudyante, dahil maski ako ay naging estudyante din at mag-eenroll ulit. Gusto ko lang ay
ma-i-share ang aking mga natutunan sa kolehyo.
Mas maliit na sulat, mas ok para mas madaming maisulat. |
Una sa lahat nang mga cheating
techniques na yan ay ang pinaka-desperate move sa lahat: ang pagsusulat sa
arm-chair o kaya naman ay sa mesa. Bakit nga ba ito naging desperate move?
Well, dahil ito ang ginagawa ng mga estudyanteng hindi nakapag-review dahil
hindi alam na may quiz/exam, o sadyang hindi lang talaga nag-aral. kaya ang
unang ginagawa ay mag-alibi. Syempre ay dahil nga hindi nakapag-reivew ay
magsusulat nalang ng kung anu-anu sa arm-chair. Pwedeng isulat ang mga formulas,
enumerations at kahit mga drawings/diagrams ay isinusulat din! Ang
nakaka-amazed sa lahat ay sobrang bilis gumawa ng kudigo and mga estudyante!
Expert na eh.
Pangalawang technique ay ang
pinaka-classic sa lahat, ang papel. Lahat na ng pwedeng isulat sa katiting na
papel ay inilalagay. Sa sobrang liit ng papel ay dapat ang pagkasulat mo ay
dapat maliliit din para mapagkasya lahat kudigo. May mga estudyante pa nga na
pinagpupuyatan talaga ang paggawa nito. Kung nag-aral nalang sana sila diba? Syempre
kapag exams na ay nakalagay muna sa bulsa kuno. Kapag medyo inaantok-antok na
yong instructor o kaya naman ay ‘di na nakatingin, dun na maglalabasan ng mga
kudigs! Syempre, kapag ito ang ginamit na technique ay talagang delikado. Kapag
nagkahulihan ay sure deads na. Pero kung mahilig kayo sa suspense, ito ang
gamitin.
Ang pangatlo ay ang
pagpapa-"reduce". Oo, papaliitin ang photocopied notes. Ito naman ay
madalas gamitin ng mga "nth-take" na ang subject. Sa pamamagitan ng
mga "old-notes". Kung napunta ka ulit sa mga past instructors mo, ang
saya! May mga instructors kasi na tamad. Kaya imbes na gumawa ng bagong exams
or quizzes, yung dating exams nalang ang ginagamit ulit. Kung anong binigay
last sem, asahan mong next sem yung padin! Kaya nga yung may mga old notes ay pinapa-reduce
nalang yung mga binigay dati dahil minsan eh shina-shuffe lang ang mga
questions.
Pang-apat ay ang paggamit ng cellphones.
May dalawang klase dito.
a. INTERNET
Salamat sa mga technologal
advancements ngayon, posible nang gamitin ang internet sa pagtsi-cheat sa sckool!
Kapag may internet yang selpon mo (lahat naman siguro ng cellphone ngayon ay
may internet na), i-type mo lang kung anu yung mga questions sa quiz at ayon,
bingo na agad! Medyo delikado din ang technique na ito kasi malaki ang selphon.
Ang karaniwang ginagawa ng mga estudyante ay iniipit ito sa kanilang mga hita. Kunwa-kunwari
ay nagsasagot ng questioners, yun pala ay nagri-research na ng mga sagot sa
internet! May mga cellphone apps pa nga diyan na pwedeng mag free internet eh.
Sobrang astig at helpful talaga ang internet.
b. DOCUMENT
VIEWER
May mga ibang cellphones
na ngayon (kung ‘di man lahat) ay meron ng document viewers. Sa ibang sabi,
meron na itong word editor, powerpoint, excel, etc. Ginagamit ng mga may
high-tech na cp's ito. Lahat ng reviewers nila ay nakalagay na sa cellphone,
yung iba ay nag-en-encode pa talaga ng kudigo. Kapag may di ka alam na sagot, syempre
ilabas lang ang phone (dapat naka-open na yung file mo), tapos "Ctrl F
(for find)" tapos type mo na yung keyword sa questions at bingo may sagot
ka na!
Extreme cheating. |
Ang panglima ay ang paggamit ng
katawan. Ibig kong sabihin, ginagamit ang katawan para magcheat. Sinusulatan
ang mga kamay,palad,paa,legs, tiyan, damit, pantalon, at pati sapatos! Ito naman
talaga ay tinatawag na "art".hehe. Kung pwede nga lang na naka-body
paint kang pumasok sa school why not diba? Actually, hindi ito advisable gawin.
Dahil kapag nagpawis ka, nako burado ang kudigs mo!
Next ay ang paggamit ng mp3. Nasubukan
ko na ito noon at madali lang itong gawi. Lahat ng lessons tungkol sa exam nyo
ay irecord mo lang. Kahit nga mga biruan sa klase pwede eh. During exams i-auto-play
mo lang ito at take note, wag kalimutang i-set sa repeat mode. Para di tumigil
ang pag play ng reviewers mo. hehe. Well, siguro nga mahirap din gawin ito. Pero
masaya din naman, isipin mo nalang may lesson kayo habang nag-e-exam.
Syempre hindi mawawala sa
pag-chi-cheat yung mga 360 degrees na mala microscopic eyes. Style dito ay tumabi
ka sa matalino na nagpapakopya. Karamihan kasi sa mga matatalino sa klase ay
hindi talaga nagpapakopya. hmp. Anyway, pwede ka din tumabi sa mga kaibigan
mong mapagbigay. Sharing of information naman eh. Pero masakit sa mata ito. Sasakit
na nga ulo mo sa mahirap na exam, pagkatapos ng exam duling ka pa!
Madami pang mga styles diyan kaya lang
wala na akong maisip na iba. Ika na nila, "It is better to cheat than to
repeat!" hehe. Tama nga naman. Pero dapat ay nag-aaral din. Para sa mga
estudyante, kahit anu pa ang gawin mo para pumasa, ang importante ay may
natutunan ka. Para naman sa mga instructors, wag naman po sanang puro out of
this world ang mga pinapa-quiz nyo. Minsan naman yung medyo madali, gaya ng
1+1. Hehe.
Ang mga nabanggit na techniques ay
hindi garantisadong gagana. Depende rin yan sa sitwasyon. Ito ay mga
alternatibong paraan laman. Pag-aaral ang atupagin. J